Wednesday, February 13, 2008

Supladito.

Kahapon, may nakasakay akong cute sa jeep na biyaheng Cubao na sinakyan ko sa Marikina-Bayan papuntang school. Kasabay ko siyang sumakay sa jeep na yaon, at napansin ko na agad siya. Pero siyempre, deadma kuno ako, nagbabasa din kasi ako noon ng reviewer ko for the recit later that morning. In the middle of the trip, bumaba 'yung pasaherong pinagigitnaan namin sa upuan kaya naging magakatabi na kami.




Sa aking peripheral view (which I always, always use, kaya medyo sharp na than normal), napansin kong di mapakali ang ulo niya sa paglinga sa direksyon ko. (May malaki akong hinala na he was checking me out, pero malamang mali ang hinala kong 'yan, as always.) Nang nasa tapat na kami ng Loyola Memorial Park, di ko inaasahang bigla niya akong kakausapin, "Malapit na ba dito ang Riverbanks?" Tumingin ako sa kanya ng mabilis at agad na nagkunwaring magbabasa ulit, sabay sagot ng "Oo. Malapit na." (at feeling ko noon nag-blush ako, 'nyetang kalandian 'yan). Sumagot siya ng, "Salamat." I nodded my head without looking back at him to acknowledge his gratitude.




Pakiramdam ko gumana na naman ang "Suplado" response ko, dahil di na siya nagtangka pang kausapin ako. Bumaba siya sa Riverbanks at sakalang pumasok sa isip ko na baka "pick-up line" niya 'yun, but then the skeptic in me says, "Nah! Feeling mo naman diyan." In fairness, nanghinayang din ako du'n. Hehehe.




--------------------




I've always exuded this evil aura the first time a person meets me. Halos lahat ng naka-meet ko, ang unang impresyon ay "suplado" ako (may nagsasabi pa ngang "mataray" daw ako, ano ba 'yun?!) Ang totoo, mahiyain at insecure lang talaga ako.'Eto nga 'yung tinutukoy kong "barrier o wall" na ginagamit ko to filter out the "unworthy" ones.




Feeling ko kasi, wala naman akong maganda o interesting na sasabihin. Nakakatakot lang akong ma-tabla o kaya di pansinin ng kakausapin ko. Kaya madalas, nakikinig na lang ako at nag-oobserve. Hahaha.




Madalang lang din talaga ako mag-initiate ng conversation sa mga taong di ko pa nakakapalagayan ng loob. Mga taong unang beses ko pa lang nakikita. Kapag naman tatanungin ako, I prefer to use short one-liners tapos magkukunwaring may ibang ginagawa para di na tanungin pa.




I sort-of fear strangers, especially foreigners (kaya nga never pa ako nagtravel abroad nang mag-isa, ayoko makipag-usap sa mga matatangkad na mapuputi at maiitim). Ewan ko ba. Ang weird ko talaga.




----------------------


In effect, marami-rami na rin akong opportunities na napalampas dahil sa katangian kong ito. Kagaya na nga lang nu'ng boylet sa jeep. Lol.

7 comments:

. said...

Buti na lang at nung nag meet tayo nung una dala mo yung videogame mo. Kung hindi, nagtinginan lang tayong dalawa. Hehe.

dean said...

hay pagkakataon na sana...

N said...

suplado talaga yang si DN....remember? LOL

Dabo said...

ha ha ha.. suplado image ba?

wag kang ganyan..sayang ang mga pagkakataon.. una wala naman mawawala eh..

wanderingcommuter said...

hahaha. masubukan nga yang supladito technique na yan. hahaha!!! parang nbachachallenge ang mga tao ata kapag ganun. hahaha

Bulaang Katotohanan said...

naku isang pang lesson!
wag ka ng sasakay ng jeep,
nakakahinayang lang ang missed opportunities hahahaha!

DN said...

@idol

ehehehe...ganun ba? hehe. buti na nga lang. bigla ko naalala, kelangan ko pala dalhin ang DS ko kung sakaling magkikita tayo bukas. haha. papanoorin mo kasi ung porn di ba? haha.

@kuya dean

grabe. sayang talaga.

@kuya white

waaaa...sori. nabiktima kita noon. hehe. na-break mo naman ang barrier in the end di ba? :P

@kuya dave

mmmm... masyado kasi ako takot mapahiya, kaya ganun...haaaayyyy

@kuya wander

oo. madami ngang nacha-challenge sa mga suplado. madalas kasi napapagkamalang mysterious ang mga suplado. haha.

@ate BK

waaaa...paanoi naman ako papasok ng skul kung di ako magji-jeep. wala naman kaming kotse. hahah.


--------------

waaaaaa... ang dmaing comment ah...salamat po senyo. ^^