Wednesday, March 11, 2009

White Flag

March 11, 2008, Life is Funny (Sometimes)

Bago mag-LOA sa pagba-blog si Gripen, sinabi ko sa kaniya ang napansin kong pagkakatulad nila ng isang kakilala ko sa aking nakaraan. Pareho kasi silang nagpipiloto. Pareho silang 23 na ngayon. Parehong Leo ang zodiac sign. Nasabi ko pa nga sa kaniya, "Pero siguro nga coincidence lang 'yun, puwera na lang siguro kung August __ din ang birthday mo." Well, hindi ko naman inaasahang iyon nga ang birthday niya. So, mas lalong lumakas ang kutob ko na siya si Maki.

Minsan nga nagbaka-sakali akong i-PM si Maki du'n sa YM id niyang alam ko. Tapos, 'ayun nga matagal na hindi nag-blog si Gripen. I thought, if my hunches were indeed correct, (at dahil na rin sa paranoia at sick presumptions ko) umiiwas ulit si "Maki" sa akin. Sabi ko sa sarili ko, "Oh well, ganoon talaga ang buhay..."Saka ko lang ulit naisip si Gripen noong nakilala ko si Punked. Idol kasi siya ni Punked dahil nga du'n sa "flying lessons" niya. And last night nga, I talked to Idol Orbiter about Gripen and my wild wild hunches. Di rin naman mapaniwalaan ni Idol ang odds na siya nga 'yung kaibigan ko dati.

And then, ngayong hapon, di ko inaasahang magtetext si Maki, out of nowhere. Unang tanong ko sa kanya ay kung papaano niya nakuha ang number ko.... (Pinalitan ko na kasi 'yung numero ko. At di ko natatandaang isa siya sa mga pinagbigyan ko ng bagong number na 'yun.) In the end inamin din niyang siya nga si Gripen.

Kahit matagal ko naman nang hinala 'yun, I was still shocked when my hunches were, at last, confirmed. I mean, what were the odds of them being one and the same person nga ba? Ngayon ko lang talaga napatunayan na napakaliit ng mundo. Especially our world.'

Ayun. Sobrang natatawa talaga ako. Nakakatawa talaga ang buhay. Kung kailan hindi mo hinahanap saka mo makikita. I haven't asked him what was his reasons were for vanishing into thin air back then.. Pero gaya nga ng sabi ko kay Gripen, I'm just glad I got my friend back.

Cheers! ^^Life is Weird. Life is Beautiful. Life is Funny. Sometimes.

-----------------------------------------------

Noon, napakasaya ko dahil nagtagpo kaming muli. Ngayon, malungkot man, kailangan kong tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa at pinagtagpo kami para lang maghiwalay ulit.

He tried to have me back and I tried (though, not hard as he did and a liitle too late, too) to have him back. "Allow me sometime to think about it," he said. Pero dahil di naman ako kasing manhid ng karamihan sa mga PLU, sa ipinakita niyang kawalang interes sa akin, I've already deduced his answer and cannot help but accept the fact that he has moved on and "refocused" his life. At ginulo ko lang ang katahimikang sinisimulan niyang buuin nang tanungin ko siyang, "Pwede ka bang ligawan?". At humihingi ako ng dispensa sa kaniya at sa sarili ko.

Napahiya na naman ako. Sino nga namang normal na tao ang makakatagal sa pag-uugali ko? (But then again, that may be it. Di isang normal na tao ang nababagay sa akin, kundi isang abnormal ring kagaya ko.)

Oh well. A year after we met again, I am officially raising the white flag. Suko na 'ko. You live your life as you please, and I'll live mine as I see fit. Maybe someday, we can truly be friends again, and be able to look back and laugh at this chapter of our lives.

Ngayon, do I still think life's funny? Hell, yes. But life's jokes are meant to teach lessons, too. Life is funny but the way you deal with its jokes will determine whether you'll learn its lessons the easy way or the hard (and painful) way.

------------------------

DeathNote: The nerve of that guy. Grabe! He should've at least had the decency to say "NO!".

------------------------

POSTSCRIPT: Di ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Di ko magawang di magreply sa kaniya. Feeling ko kasi habang mas tumatagal ang di ko pagtext sa kaniya, mas lalo akong nagiging spiteful. At ayoko nang ganu'ng feeling. Ambigat-bigat... I guess, I am a person of love, after all. (Honeymoon baby kasi, lol.)

8 comments:

MakMak said...

DN :) I'm a romantic at heart so this is difficult for me to say but sometimes acceptance is really the key. The path to it is the hardest but everything will be much better once you're there.

Just live your life. Di mo mamalayan meron na ulit something/someone that'll make you say that "life is weird, life is beautiful and life is funny" again.

Hehe. Sana may sense sinabi ko sa'yo.

Smile, smile DN!

DN said...

@kuya Mak

Hehehe... I've accepted it naman na siguro. For real, this time. Sana. :)

Anonymous said...

"When you try to catch two rabbits, you lose them both."

- Old American Saying

DN said...

@pantie boy

ummm... oaki-explain naman po ang application nyang saying sa kalagayan ko... T_T

di ko gets e..

Anonymous said...

Gets mo yan, ayaw mo lang aminin sa sarili mo. :)

DN said...

@pantie boy

aw...di ko nga gets...

Anonymous said...

Hay nako. Alam kong alam mo na yan.

DN said...

@pantie boy

hindi nga e...ang kulit...