(Caveat: My post is as unorganized as my thoughts, it seems.)
Break-ups need not be messy... But they can never be painless. I think.
As I rode the jeepney from our last date, I shed my first tears. My first because I think ngayon lang nagsink- in sa akin na wala na tayo. Wala na tayo; not because this is what we want, but because this is what we need.
Tama ka: You were my best friend. You were my much-needed attractive distraction. You kept me sane. Sa 'yo uminog ang social life ko when I isolated myself during the review. Kailanman ay hindi ko pagsisisihan that I took the risk of loving again.
Napasaya mo 'ko; masayang-masaya. Kahit di mo halata sa akin. And I'll forever be thankful for everything you've done for me. Kahit na sa tingin ko wala akong ibang naidulot sa 'yo kundi sakit ng kalooban.
Pakshet, naiiyak na naman ako.Kung malungkot ka dahil di na natuloy ang plano mo na ikaw ang unang magdadala sa akin sa EK, mas nalulungkot ako dahil di man lang kita nabigyan ng kahit anong alaala... Nagbirthday ka pa naman...
(Pasensya na kung hindi ako nakapagpost ng mga masasayang ala-ala natin. 'Wag mo sanang isipin na walang halaga sa akin ang mga 'yon. I think mas gusto ko lang talaga solohin ang masasayang ala-ala.)
Sorry talaga sa lahat. Ako lang talaga magulo ang isip. Wala kang ginawang masama.... Kaya 'wag mo sana sisihin ang sarili mo...
I do wish that you'll be happy. Nawa'y matagpuan mo ang kaligayahang magtatagal na hindi ko maibigay sa 'yo...
As for me, I'll always think kindly of you and remember the happy memories...
This is not goodbye. Bagong simula lang. We'll get through this. As friends.
Hello, LJ Friends!
1 year ago




1 comment:
blog-hopping, kaya napunta ako dito.
anyway, i can relate. hindi ko rin alam kung may break-up na hindi masakit.
in any case, i hope you continue to be friends. sayang naman yung pinagsamahan niyo..
Post a Comment