Yesterday was the start of the end of my 2nd semester in Law School. (And I still can't help thinking that it'll be my last...) But still, I can't just give up without fighting back, so I tried my best to do some last minute reviews hours before the exam (which was scheduled in the evening)
'Yung subject na sinulit ko kahapon ay 'yung subject din na kung saan di gaanong mahilig pumasok ang prof. In the end, hindi namin natapos i-discuss lahat ng nakasulat sa syllabus niya.
Bilang pakunsuwelo, in-assure niya kami na he is "in a good mood" this semester (Isa pang tsismis kasi tungkol sa kaniya ay siya daw 'yung isa sa mga prof na naging dahilan ng pagka-dissolve ng isang Freshman Block last year.) at magpo-produce daw siya ng "Review Guide" for the exams (to mislead us kung ano ang dapat i-review). Siyempre naman, dahil super-terrorized na kami tungkol sa image ng prof na 'to, most of us trusted his words na lang and just followed his Review Guide.
---------------------
Nagising ako ng alas-nueve ng umaga kahapon at agad na naghanda para maagang makarating sa Library. Isa ako sa mga taga-block namin na naunang nagtungo sa Lib para makapagbasa-basa pa. That was at 12 noon. So I still got 6 hours of review time left.
Unfortunately, nang gabing iyon, nanlumo ako pagkakita ko pa lang sa mga tanong na wala sa Review Guide na ipinamahagi niya gaya nang:
1. "Distiunguish Intriguing against Honor from Defamation"
2. "Distinguish Incriminatory Machinations from Defamation"
3. "What are the six acts punished in the Anti-Wiretapping Law?"
Agad kong naisip na, "Patay kang bata ka!" Asar! Dahil sa pagkawindang ko sa mga tanong na 'yun, halos nawala lahat ng napag-aralan ko sa isip ko. Kahit 'yung mga sagot sa mga tanong na ilang araw ko nang minememorya ay halos makalimutan ko na.
Pagkatapos ng exam, dali dali na akong umuwi upang hindi na mapakinggan ang post-exam discussions and rantings ng mga kaklase ko. I don't want to magnify how bad I feel by realizing more and more of my mistakes and blunders.
Di dapat ako masyadong umasa sa "words of honor" ng prof namin. I shouldn't have trusted him. Tama nga. Nasa good mood siya. Nasa good mood siya para lokohin kami. Ang hirap talaga kapag madali kang maniwala.
At siyempre, di niyo ako masisisi why I am ranting here. Gaya nga nang sinabi ng boss ko sa temp job ko last summer, it is human nature to blame other people for the misfortunes that happens to him.
Pero napag-isip isip ko, sisihin ko man ng sisihin ang prof ko, at ilang ulit pang mag-sour graping, wala na akong magagagwa. Kasalanan ko rin dahil kulang pa ang pagsisikap ko at kulang ang paghahandang ginawa ko. Kaya, ipinagpapasa-Diyos ko na lang ang kahihinatnan ng mga pagsusulit ko.
One thing's for sure, di dapat sumuko. Kailangang ipagpatuloy ang laban. AJA!
Hello, LJ Friends!
1 year ago




12 comments:
that's the spirit! kaya mo yan tom! galingan mo!!!! AJA!
go go go! kaunti na lang ibuhos mo na! pede nanam umulet sa bar weh! LOL
yung pnsan ko nga pala ay di nakapasa nung una dahil di daw maintindihan ang penmanship. kaya cross out daw automatic kapag di carry ng "nagchechek."
penmanship saves time. hehe
Haha ganyan rin kami noon, kunware eh yun ang exam pero iba pala.
Yung prof namin sa Polsci sobrang terror kasi mahilig mag-singko. Siguro nagkataon na bad mood siya nung sem namin kaya more than half of the class ang nakapasa sa subject niya.
@shoti
Aja! :P
@kuya black
aw...ang sama ng penmanship ko sa finals na kagabi...T_T
@nanay
hehehehe...galing manggoyo ng mga prof no??? hahahah
@DN, i think there is a way to tackle law exams hehe
naku, good luck sa iyo kababayan.
galingan mo para maipagtanggol mo ang mga inaapi at naapi sa pinas.
pang-asar naman yung prof na yun! sana di na lang siya nagbigay ng reviewer!
yiz, go lang nang go! kaya yan.
@kuya sam
salamat po sa suporta. aja!
@odin
oh well, ganun talaga ang buhay.
@tita
hehehehe... aja!
@ALL
BAKASYON NA!!!
lesson learned. bumangon ka at durugin mo prof mo. hehehe
@idol tripper
hehehe...di pde durugin prof e. baka ako pa madurog nila. lol.
isa lang masasabi ko...
kahangahanga!
jobe well done!!!
Post a Comment