Anu na daw ba ang nangyayari kay DN ngayon?
Ilang araw na kasing hindi nagpopost. Nag-aalala na tuloy 'yung iba, baka daw nalunod na sa sandamakmak na papel at SCRA* na binabasa niya. O kaya naman tuluyan nang nabaliw sa kakasunog ng kilay (ala Miriam).
Ganun din naman, nababahala si DN sapagkata pakaunti ng pakaunti ang mga posts per month niya. (Sabi ni Kuya Mak, senyales daw ito na healthy ang social life ko...)
Sa totoo lang, wala namang gaanong nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Bukod sa pagbabasa, ginagawa din niyang pang-in between activity ang paglalaro ng DS (Kinahuhumalingan niya ngayon ang larong Harvest Moon DS Cute)
Kinakabahan na kasi at nagpapanic ang lolo niyo sa pressure ng Final Exams. Kinakabahan siyang hindi siya makapasa next year.
Medyo badtrip din siya ngayon kasi Atenista ang nag-top sa Bar. Wakekekeke. Is this the "Grand Manner" pride showing its nasty face?
Ikinakatuwa din ni DN ang panonood ng PBB Teen Edition Plus tuwing gabi. He's rooting for Robi, Rona and Beauty respectively.
Seryoso rin si DN sa kanyang Gym Sessions. Gusto na talaga niyang magkaroon ng magandang katawang makalaglag underwear para ma-boost na rin ang kumpiyansa niya sa sarili.
Isa pa sa kasalukuyang pinagkakaabalahan ni DN ay ang pagkakilig sa panunuyo (a.k.a. pambobola) ng isang tao. Di pa rin niya mawari kung dapat bang paniwalaan ang taong ito.
Big Balita din ang paglisan ng kapatid niya papunta sa Amerika. Isang buwan mananatili roon ang kapatid niya. Ikinakagalak naman ito ni DN kasi wala siyang kaagaw sa PC.
Isa pang big balita ay ang pagkatuklas niya sa mga nude at dick pics ng kapatid niya. Lubos siyang binabagabag ng mga ito... Eeeeewwww...
----------------------------
April Fool's Day ngayon, at di nga naman magandang biro ang mag-send ng text na "Patay na si Ganito. At siya ay nakalibing sa Ganire..." Wala namang ganyanan. Sinira ng text na 'yan ang mood ni Idol.
-----------------------------
*SCRA - Supreme Court Reports Annotated; naglalaman ng mga desisyon ng Korte Suprema na binabasa ng mga law students. Maaring ituring na "tsismis in paper" dahil sa mga ma-dramang pangyayari sa tunay na buhay (Note: Eto ang tunay na drama ng totoong buhay, Big Brother!)
Hello, LJ Friends!
1 year ago




10 comments:
prssure talga ang course mo, kapag may trabaho ka na nyan, magiging stressful na ang lyf. haaay, inggit ako sa pagaaral mo. gusto ko pa namang magaral muli. T_T
hello dn :)
haha nakakatawa ung nadiskubre mo haha
@kuya black
wakekekke... e di mag-aral ka ulit. i bet you can still find a school that offers programs that'll fit your schedule. ^^
@kuya dave
hi po! :P
@tita
waaaa...ndi po siya nakakatawa. ang weird kaya...waaaaaa.... T_T
pa-share naman dun sa discovery!!
@kuya dean
aw...hindi pde! hahaha. ni ayaw ko na ngang magawi sa folder na 'yun e... :P
bilis ng comment ah..thanks sa pagdaan..
nakikita ko na si gripen dati sa link ni joms at mink, pero di ko pinupuntahan, pero ng mabasa ko yung comment niya sa blog ni julia campbell, doon ko na siya naging kaibigan.. alam mo bang pinagmisa nya pa si ms. campbell..
yup. death is the next great adventure..
cheers!
@kuya dave
wow. ganun pala kayo nagkakilala. cool!
^^
Eeeewwww nga yung natuklasan mong folder. ahihihihi.
gudlak sa paggygym! =p hmmm, ako kaya kelan ako magdedesisyon gawin na ang matagal ng planong maggym...
At syempre gudlak din sa law school. :)
@madam fiona
maraming salamat po sa moral support. hehehehe... mag-gym ka na! go go go!
Post a Comment