Pinagtagpo kaming muli ng tadhana, subalit tadhana din ang maghihiwalay sa amin. Sa tuwing nagpaplano kami magkita, laging may nangyayari upang mapigil ‘yun. Sabi nga ni Nanay, mutual lack of physical presence ang ugat nang lahat.
Isang araw nagtext na lang siya: (gist na lang) "I cheated on you many times and I feel guilty about it. I am not worthy of you anymore. Sana mapatawad mo 'ko."
At first, I kept on thinking that it was all my fault. I deprived him of what he needs: Intimacy, Sex. However, after a few days of sulking and reminiscing, my feeling of guilt has been replaced by antagonism. Ilan sa mga bagay na naisip ko:
1. Habang ka-txt ko siya, has he just finished doing it with someone? Or was he on his way to meet up with whoever he’ll do it with that day? I realized now, na sa tuwing sinasabihan niya ako noon na magpakatatag at maniwala sa pagmamahalan namin sa isa't isa sa kabila nang madalang na pagkikita, ang sarili niya ang kaniyang mas lalong sinasabihan. The nerve...
2. Sino kaya sa mga taong naikwento niya ang ginamit niya para ibsan ang “pangungulila” niya sa akin? Si Mr. Foundation Day? “Yung mga ka-opis niyang gumawa ng Christmas decors nila? O baka naman some other person na hindi niya naikwento sa akin?
3. Bakit ko nga ba hindi ako nakipag-sex? Busy kasi? Our schedules would not meet? My vow of celibacy? Pwede ding, subconsciously, I wanted to punish him for fucking a prostitute (i.e., female) 2-3 weeks into our relationship? Whatever the reason, I realized that it’s still not fair to cheat on me “not just once, but many times”. Siguro nga, gaya nang sabi ni ‘Insan, “sex is important”… Unfortunately, hindi para sa akin.
4. Nakakalungkot isipin na habang nagpapapaka-faithful ako sa kanya, declining aggressive sexual advances (i.e., Velocity), siya naman ay nagpapakasasa sa ikapitong gloria (Lol. Bitter!) Am I resenting the fact that I had been faithful? Siguro nga. Reciprocative nga kasi ako. Kung gaano ko ayaw ang manggulang ng kapwa, gan’un ko din ka-ayaw malamangan ng iba.
5. Karma na siguro ‘to dahil sa ginawa ko sa Oso Ko. Bigla ko tuloy siya naalala…
6. Hindi talaga ako showy sa feelings ko. Lalong di ko kaya ang PDA. (Cold na kung cold. Indifferent na kung indifferent.) Pero ang di ko ma-take na "bintang" ay 'yung 'di daw ako attracted sa kaniya kaya ganu'n. Haaaayyy...
To answer his queries on possibilities of “building a better relationship”, as much as this breakup pains me, wala akong magagawa. Getting back together is not an option, especially now that I’m most likely to doubt everything he says. Sana kasi sinabi na lang niya agad ang totoo...
Sa totoo lang miss na miss ko na siya. For the past 8 months, siya lang kasi ang regular kong kausap, ka-text. Sa tuwing nakakakita ako ng eroplano, siya ang naaalala ko. Pero dahil medyo malakas ang paninindigan ko, I’ll stand by my initial decision. Siguro nga we’re meant to just be friends. Problema nga lang, pa’nu kaya kita pakikitunguhan ngayon? DeathNote has been acting up lately. He’s looking murderous.
But then again, it's still all my fault. Hindi ko dapat ipinagkait sa kaniya ang sarili ko. Kasalanan ko ang lahat kaya wala akong karapatang magwala at mag-isip ng kung anu-ano. :(
P.S.
I’ve honestly thought of doing a “disappearing act” to forget about it al. Bahala na si Batman…
DeathNote: He said, mas gugustuhin daw niyang magtiis sa isang relasyong naghihintay na mayakap man lamang si DN. kaysa ang mawala si DN sa buhay niya. Punyeta! Di ka nga nakatiis e. Patience is a virtue! Madali lang solusyon sa problema mo: makipagkantutan ka nang makipagkantutan at isipin mo na lang si DN ‘yan (Ham nga!)
Pero 'tang ina. Bakit ganun? Mahal pa rin kita...
Hello, LJ Friends!
1 year ago




5 comments:
Wow! Welcome back.
Hindi na ako nagagawi dito pero habang nagkakalkal ng aking digital scratch papers eh nakita ko ang link ng blog mo - suprays, you just made a post.
Happy new year, kiddo.
Happy new year DN. :)
ok lang magalit. pero kung mahal mo ang isang tao, madaling magpatawad.
nabuhay ka ulit. sad naman na latest post mo eh ganyan agad ang entrada. natawa ako sa last line na ham nga. pero mahirap magtiwala ulit lalo na't sa simula pa lang eh ganun na.
hindi ko alam kung akma ang ikokoment ko pero iququote ko lang ang sabi ng teacher ko sa legal profession.
law is worst than a jealous and demanding partner. pero kung mahal mo naman talaga dapat ipaglaban mo at gagawa at gagawa ka ng paraan...
oh well, kung kayo talaga sa dulo ng lahat ng ito, kayo talaga!
So this is what being dumped feels like... Grabe... Karma ko na talaga 'to...
@kuya Nik
Happy New Year din...
@Kuya Trip
Ewan. Bahala na si Batman...
@Kuya Jinjiruks
ummm... naguguluhan na nga ako kung dapat pa 'ko maniwala...
teka, nagyon lang kita nakita dumaan dito, tama ba?
@wander
law is worse than a jealous mistress... pinag-iba nga lang e, you can't fuck law... lol. iba talaga nagagawa ng libog!
bahala na talaga si Batman.
Post a Comment