Dear You,
Simula pa lang, I've had qualms in even listening to your sweet words. From your stories of sexcapades kasi, alam kong you're probably like the others. Kahit pa na sabihing isa ka sa matatalik na kaibigan ko noong college, I felt that, ever since we came out to each other, I don't know you anymore. Maraming taon na kasi ang lumipas, at marami na ang nagbago. Natatakot ako na baka isa sa mga nagbago ay 'yung mga magaganda mong katangian. Natakot ako na baka naging katulad ka na nga ng karamihan sa mga tulad natin.
But, even so, I decided to give it a try. Malay mo nga naman. Magka-vibes tayo noon, baka maibalik pa 'yun ngayon. I thought I'll be able to get to know you, again. Pero hindi. I guess I had a double dose of my own "cold" medicine. Di ko akalain na may mas magiging mas malamig pa sa akin when it comes to "dating".
You can do Christmas parties. You can upload vids on Facebook and even comment on your friends' status updates.
But you're too busy to send a message, asking me how my day was. I know a lie when I see one (I've been trained to, for almost four years now.)
Sabi ko nga sa dati kong ex, I can survive without even seeing him kung may communication kahit sa text lang. Sa simula pa lang sinabi ko nang mahalaga ang communication sa akin. Sa palagay ko, di malaking demand ang minimum requirement ko na 'yun. (Madami akong kilala na gusto nila na at least once a week na pagkikita.)
Simpleng pakikipagtext lang ang hinihingi ko, para kahit papano naman makilala kita uli. Pero gaya nga ng sabi mo ang stress level mo ay (in Juday's words) "hanggang dito na" (sabay muestra ng kamay sa ibabaw ng ulo), kaya di mo magawa. But, as I have stated above, kung kaya mo mag-FB, siguro naman di na malaking effort ang magtext, di ba?
Oo, siguro kulang ako sa pansin. But I think, in this case, justified naman (kahit di naman officially tayo) na manghingi ako ng kahit konting pansin from you. Ikaw nagsimula nito, for crying out loud.
Siguro nga, nagoyo na naman ako. Nadala sa mga matatamis na salita. Siguro nga napasubo ka lang nang sinimulan mong suyuin ako at hindi ka na makawala ngayon kaya ginagawa mo ang lahat ng di pagpansin sa akin, para ako na mismo ang umayaw. Ako naman 'tong si tanga, at di magawang magalit ng tuluyan.
Kung totoo man mga hinala ko, di ko akalain na magagawa mo 'yun: almost eight years of friendship.
Anyways, I think I've had enough of whatever we have. The way you are now, di ikaw ang hinihintay kong inspiration for my (hopefully) last semester sa school and my upcoming exams. The way you are now, isa ka lamang malaking distraction (Yes, inaamin ko na lagi kitang iniisip kahit di ko alam kung ganoon ka rin sa akin). And one hell of a "sucker" (unlike me, of course).
At kahit na ipinangako ko na hindi ako magba-blog tungkol sa 'yo, 'eto at ginawa ko pa rin. Ganoon talaga. I can lie, too, you know.
Sana maging masaya ka sa buhay mo. Madami-dami ka 'ring pinagdaanan. Pero di 'yun excuse para ilugmok mo ang sarili mo sa kung ano man 'yang ginagawa mo.
Oh well. Good luck sa 'yo. Magbago ka na.
Nagmamahal (but I hope, not for long,)
Me :)
===========================
POSTSCRIPT (2/9/11)
Who am I kidding? I don't want you to be happy. I hope you'll be more miserable. I hope you'll suffer more. 'Wag mo na akong kakausapin, gago ka. Di na sana tayo magkita, animal. Kakarmahin ka ding, hayop ka.
POSTSCRIPT (2/14/11)
Well, winarningan na kita, noon pa. At alam ko kahit papaano nabasa mo naman sa blog ko na mababa talaga self-esteem ko. Tapos ngayong di mo kinaya ka-praningan ko, sisisihin mo 'ko. Kapal din talaga ng apog mo.
Huwag mo isisi sa di ko lubusang pagtitiwala sa 'yo ang nangyari. Kung hindi ka lang nagsinungaling, I would've trusted you more. Siguro nga mali mga hinala ko, pero you still lied. At alam kong alam mo kung ano nangyari sa "The Boy Who Cried Wolf".
I've always wanted you to give me something that I can hold unto. You never did. Ni salita mo nga di ko mapanghawakan. What else can you expect from me. Duda. Doubt.
At huwag mo rin isisi sa pagsasabi ko ng totoo kong nararamdaman ang pagtigil mo sa pag-reach out sa akin. And don't play "you're trying to save our friendship" card. Ang totoong kaibigan, hindi kunsintidor. Ipapamukha at ipapamukha niya sa 'yo ang maling ginawa mo. Kung talagang gusto mo mag-work 'yun, sasabihin mo ng diretsahan (gaya ng ginawa mo sa text ngayon) ang nakita mong ayaw mo.
Pero hindi mo ginawa. As it appears, ang di mo pagsasabi ng tunay mong nararamdaman noon, kahit ilang beses kong sinabi na magsabi ka ng totoo, ay nagpapakita lang na you, yourself, gave up early on. You, yourself, didn't want it to work out.
Aminin mo na. You never tried your best.
Well, as of now, I stand by what I asked of you, last week. 'Wag mo na akong kakausapin at 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin.
Hello, LJ Friends!
1 year ago




9 comments:
Huy! Sinu yan?! Isulat nalang sa DN yan (harsh?) lol!
@rabit
haha. di mo kilala! naku, 'yaan mo na s'ya. sawa na ako magka-sama ng loob. :D
sorry. di ko sinasadya. You're more important to me now kesa noon. I didnt mean to hurt you.
@anon
hmmm. patunayan sana sa gawa.
Kakarmahin rin yan sis'
:( baka it's not that late to fix it. Godbless to all
@tita
oh well, basta ako, malakas hexing powers ko.
naloka naman ako sa mga postscripts! LOL! hehehe. okay ka na ba?
I guess so. Maraming salamat sa Pokemon wahahahaha.
Post a Comment