Wednesday, September 14, 2011

Loser Like Me

First of all, NO, hindi ako nagpapaka-emo, Erik. Apparently, nagustuhan ko na rin na punuin ng rainbows at unicorns ang sangkamunduhan a la Rainbow Brite (Wait, hindi pala unicorn 'yung sinasakyan nya. But you get the idea). Kaya, I'll try my best to keep the Thestrals and the Peruvian Instant Darkness Powder away.


=======================

Anyways, ngayong na-experience ko na kung paano maging independent at mamuhay mag-isa (bunga ng walang habas na pag-aabandona sa akin ng mga kasama ko sa bahay, LOL), I've realized na kaya ko naman pala gumawa ng karamihan sa mga household chores. Maglaba, mamalantsa, magluto at maghugas ng pinggan, maghanda ng isang piging noong birthday ko. (Pinaka-ayoko lang talaga maglinis ng bahay.)

Isa pang na-realize ko sa aking napadalas na pagmu-muni (Read: bumming around) ay 'yung mga bagay na di ko pa nagagawa at natututunang gawin at ang mga lugar na di ko pa napuntahan na karamihan ay nandito lang sa Pilipinas. At sa tingin ko, I need to take action para naman mabawasan ang pagiging loser ko dahil dito:


1. Mag-bike. Sa maniwala kayo at sa hindi, may mga taong hindi talaga marunong mag-bisikleta. 'Yung single ba.

2. Mag-drive. Hindi din ako marunong mag-drive kahit na may sasakyan naman kami. Medyo nakakatamad naman kasi pag-aralan i-maneho ang isang sasakyan na ang kambyo ay nasa gilid ng manibela.

3. Makipag-usap sa Foreigner. As much as I know that I can speak English quite well, (umm, more of write in English) takot na takot talaga ako na makipag-usap sa mga non-Filipinos na nakita ko during my really-not-so-eventful trips abroad. 'Yun din siguro dahilan kung bakit hindi din talaga ako maka-gala 'pag andun ako.

4. Makapunta ng Enchanted Kingdom. Eto talaga pinakamalaking disappointment ko sa buhay. Nuff said.

5. Makapag-nature trip. Excited pa man din ako nung naimbitahan ako dun sa Anawangin. Unfortunately, di naman natuloy.

6. Really learn Japanese. I'm really fascinated by the Japanese language. I've downloaded some apps. May "Learn Japanese" game pa nga ako sa DS. Di ko lang talaga mapag-tyagaan.

7. Find a job. Kahit ilang beses ko ipinangako sa sarili ko na maghahanap ako ng trabaho over the time that I'll be alone, hindi ko nagawa. (Katamad kasi 'pag pinapadala na lang ang pera na kelangan mo, wahahahaha.) Pero dahil babalik na sila dito, mapipilitan akong humanap ng trabaho na na-rereview na rin ako for my exams next year. Tumataggap kaya sa RTC ng hindi pa nagba-Bar?

8. Makapag-Boracay. Or anywhere na puti ang sands sa beach. Hmmm, alam ko talaga di ko pa na-eexperience 'to.

9. Makapagluto ng Pasta, nang walang daya. Without using the ready-made powder mixes from McCormick, that is. Hmmm, as of now, 'yung Pinoy Spaghetti at Charlie Chan pa lang kaya ko gawin without that.

====================

Well, 'yan lang maalala ko sa ngayon. Ang loser di ba? :P

Wait, parang bucket list na 'to ah. LOL. 'Wag naman.

POSTSCRIPT:

Napaka-walang kwenta ng CV ko. Paano ako hahanap ng trabaho nito... T_T

6 comments:

peripheralviews said...

hahaha! when i was just about to say, OH NO!!!! DN, huwwwaaaa...

"NO, hindi ako nagpapaka-emo, Erik. Apparently, nagustuhan ko na rin na punuin ng rainbows at unicorns ang sangkamunduhan a la Rainbow Brite (Wait, hindi pala unicorn 'yung sinasakyan nya. But you get the idea). Kaya, I'll try my best to keep the Thestrals and the Peruvian Instant Darkness Powder away."

ahhh okay! tara enchanted! tara sabay tayo mag aral mag drive! may kilala akong pwedeng magturo! hehehe!

DN said...

^ay bat nagbago ang pangalan mo sa blogger? hahahaha.

i-set mo na yang enchanted na yan. problema ko na lang kung may pera pa ako 'pag na-set yan. :P

Blakrabit said...

Sama ako sa enchanted! Naks, DN! You're ao rainbow brite na ngayon! Hihi. Punta ka Cebu, Bantayan Island tayo! Pasta showdown? Apply lang ng apply at attend lang ng attend ng interviews! (:

DN said...

^ Hahaha. At panu na ang review mo, aber??? Icpin mo muna yun at si chekwa mo hahaha

dario the jagged little egg said...

Hi sis'. Ako naman hindi talaga marunong magluto, yun lang naman ang frustration ko hehe : )

I love rainbow brite!

DN said...

^hehehe. ateng, nood ka ng masterchef tiyak maeengganyo ka matuto.

e di gusto mo din carebears? hehehe