Saturday, March 15, 2008

Puyat

Alas tres ng madaling araw na ako nakatulog noong Thursday/Friday dahil sa paggawa ko noong visuals ng presentation namin (Special thanks to Shoti!)


Alas siyete y media ako nagising kinaumagahan. Ramdam na ramdam ko ang stress at pagod. Pangatlong araw na kasi itong kulang sa walong oras ang tulog ko. Ayoko nang ganoong feeling dahil nagiging totoo ang "pagka-suplado" ko kapag kulang ako sa tulog. Mas madali mairita, kung baga.


Kahapon nga, nagpantig ang tenga ko doon sa pasaring noong groupmate ko na, "Ba't ang simple naman ng ginawa mo?" Aba, nag-walk out na lang ako. Gagang 'to.


Awa naman ng Diyos at medyo maganda naman ang kinalabasan ng oral report namin. Natawa sila sa ginawa ko (which was the purpose of it naman talaga)


Inabot nang hanggang alas-sais ng gabi ang presentations kahapon. Todo sipsip ako ng candy noon para lang di makatulog. Madali kasi akong ma-bore sa mga report na walang dynamics.


-------------------


Pagkauwi ko, saka ko lang naalala na birthday ng lola ko kahapon. Lintek na. Wala akong regalo... Naubos na kasi ang baon ko. Haaaaaayyy.. "Oh well, wala na akong magagawa doon. Better enjoy the food na lang", sabi ko sa sarili ko. Siyempre, dahil nagji-gym na ako, kinontrol ko ang sarili ko para di kumain ng labis sa nararapat, kahit takam na takam ako doon sa carbonarra at barbecue na nakahapag.


Pagkatapos kong kumain, saka ko ulit naramdaman ang pagka-miss sa aking malambot na kama. Inaantok na ulit ako, kahit alas-ocho y media pa lang... Ni hindi pa nga tapos 'yung Kung Fu Kids. Di ko na rin masyado nakausap ang mga tito, tita at pinsan ko kasi pumasok ako agad sa kwarto ko, at saka humilata sa kama.


A few minutes after that, tulog na 'ko...


----------------------


Ang hindi ko naman naintindihan, bakit alas tres pa lang nang madaling araw today, nagising na ako... :(

9 comments:

Anonymous said...

Sa kasamaang palad, pareho tayo ng kapalaran nitong mga nakaraang araw.

Inaatake na naman ako ng insomnia, kaya kagabi, sa kagustuhang makatulog ng maaga, uminom ako ng serbesa.

Pero, walang epekto. Alas-dos na rin ng ako'y dalawin ng antok. Leche. (Hmmm ... kaya naglaro na lang ako isang nakaka-adik na game na nalaman ko lang kahapon: http://www.handdrawngames.com/DesktopTD/Game.asp

Basta ang napansin ko lang. Kapag nai-insomnia ako dahil sa stressed ako.

Anonymous said...

ahehehe.

Good morning nga pala.

wanderingcommuter said...

hahaha...welcome to my world...walong oras na tulog? naku, masakit na katawan ko nun pagkagising. hehehe!

haay, have you ever thought of taking abreak in law school even just for a sem?

hahaha... nambB.I. lang. hahaha

DN said...

@kuya nik

oh no. di ako pde magka-insomnia. i like sleeping. with or wothout someone. lol.


@wander

mmmm... mandatory kasi na one year ang LOA sa amin. so talagang isnag taon kang atrasado pag nagbreak ako... saka di ko nga sure kung papasa ako for next year e...T_T

MakMak said...

Hala wag ganyan. Kaya mo yan!
Sa'yo pa naman ako papaturo pag natanggap ako sa school niyo. Lol.

DN said...

aw... wag mo ko asahan kuya mak, hehehe... wala ka mapapala sa akin...:P

Anonymous said...

sino ba ang iniisip mo at hindi ka makatulog?

;)

N said...

i received a text past 3 in the morning. LOL

DN said...

@kuya mink

wala po ako iniisip. ^^


@kuya white

aw....sensya naman sa pambubulabog